Trigger warning: This article contain mentions of suicide and abortion
Ikinagulat nang husto ng pamilya ni Kim Sae Ron ang lumabas na report na nagpakasal ang aktres ilang linggo bago nito wakasan ang sariling buhay noong February 16, 2025.
Bukod sa pagpapakasal, nabuntis din daw si Kim Sae Ron ngunit kanya itong ipinalaglag.
Ang mga bagong impormasyong ito ay inilabas ng notorious YouTube reporter na si Lee Jin Ho sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Kim Sae Ron tungkol sa nakaraang relasyon nila ng Korean superstar na si Kim Soo Hyun.
Read: EXPLAINER: What fuels cancel culture in South Korea?
Noong March 19, 2025, isinapubliko ni Lee Jin Ho ang diumano'y pagpapakasal, pagbubuntis, at pagpapalaglag ni Kim Sae Ron.
Ito ay ginawa niya sa pamamagitan ng paglalabas ng mga larawan at audio recordings.
Ayon kay Lee Jin Ho, noong January 2025 ay nag-post ng mga larawan si Kim Sae Ron sa kanyang Instagram account.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dito ay kasama niya ang isang "mystery man."
Makahulugan ang caption ng aktres dito: "Marry."
Pero mabilis ding binura ni Kim Sae Ron ang mga larawan sa kanyang Instagram.
Paliwanag noon ng representatives ni Kim Sae Ron, ang mga nasabing larawan ay simpleng photoshoot lang na ang konsepto ay wedding o prenup photos.
Ang kasama raw na lalaki ng aktres sa mga larawan ay isang malapit nitong kaibigan.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Bukod sa pictures, inilabas din ni Lee Jin Ho ang voice recording ng pag-uusap umano ni Kim Sae Ron at ng dati nitong manager.
Sa kanilang pag-uusap, sinabi mismo umano ni Kim Sae Ron na ang mga larawan ay in-upload ng hindi niya pinangalanang boyfriend matapos nilang mag-away.
Nakabase umano sa New York ang boyfriend ng aktres.
Inamin din daw dito ni Kim Sae Ron na nagpakasal sila ng kanyang boyfriend sa abroad.
Nabuntis din daw siya, ngunit ipinalaglag niya ito.
Read: YouTuber claims Kim Sae Ron was married before her passing
KIM SAE RON'S FAMILY ON actress' alleged marriage AND ABORTION
Naglabas ng pahayag ang pamilya ni Kim Sae Ron kaugnay ng mga alegasyong ito.
Wala umanong ideya ang pamilya ng namayapang Korean actress sa mga isiniwalat ni Lee Jin Ho, partikular na ang pagpapakasal at pagpapalaglag umano ni Kim Sae Ron.
Saad ng pamilya ng aktres: "We have never heard anything about Sae Ron being married and had no knowledge of it.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
"We also don’t know why her former manager told Lee Jin Ho about an abortion."
Read: Seo Ye Ji denies dating rumors with Kim Soo Hyun
Kaugnay nito, nakausap naman ng Garosero Research Institute ang naulilang pamilya ng aktres, partikular na ang nagdadalamhati nitong ina.
Ayon sa Garosero, bakas sa mukha ng ina ni Kim Sae Ron ang pagkalugmok sa pagkamatay ng anak, dagdag pa rito ang samu't saring impormasyon na ngayon lang daw nila nalalaman.
Plano raw ng pamilya ng aktres na magpatawag ng press conference para mabigyang linaw ang lahat, ngunit mismong ang ina na raw ni Kim Sae Ron ang umayaw sa kanilang ideya.
Saad ng Garosero Research: "We met with Kim Sae Ron’s mother yesterday, and she looked like a mere skeleton. She was sobbing uncontrollably, asking if they had to mutilate her daughter’s reputation this much.
"We were planning to hold an emergency press conference at 5 PM today, but Kim Sae Ron’s mother said, 'I can’t let this happen. Do I have to die for Lee Jin Ho and Kim Soo Hyun to stop tormenting us?'"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
KIM SAE RON'S FAMILY VS. KIM SOO HYUN'S CAMP
Ang pagbanggit ng ina ni Kim Sae Ron sa pangalan ng aktor na si Kim Soo Hyun ay bunsod ng kasalukuyang gusot sa pagitan ng magkabilang kampo.
Nagsimula ito makaraan ang ilang beses na pagtanggi ng kampo ng aktor, sa pamamagitan ng talent management nitong Gold Medalist, sa nakaraang relasyon nito kay Kim Sae Ron.
Read: Kim Soo Hyun denies dating claims with late Kim Sae Ron anew
Ngunit sa huli ay inamin ni Kim Soo Hyun na totoong nagkarelasyon sila ni Kim Sae Ron.
Read: Kim Soo Hyun finally admits past relationship with Kim Sae Ron
Nag-demand din ang kampo ni Kim Sae Ron na maglabas ng public apology si Kim Soo Hyun dahil daw sa ilang beses na pagsisinungaling nito tungkol sa relasyon nila ng aktres.
Kasalukuyan daw pinag-aaralan ng pamilya ni Kim Sae Ron kung ano ang posibleng maikaso nila kay Kim Soo Hyun at sa Gold Medalist.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kim Sae Ron’s family files lawsuit vs. YouTuber Lee Jin Ho
Kinuwestiyon din ng kampo ni Kim Sae Ron ang mga naunang impormasyong inilabas ng YouTuber na si Lee Jin Ho tungkol sa relasyon ng aktres at ni Kim Soo Hyun.
Inalmahan nila ang anila'y paninira kay Kim Sae Ron nang ilabas ng YouTuber ang mga pribadong litrato nina Kim Sae Ron at Kim Soo Hyun nang magkarelasyon pa ang dalawa.
Pinalalabas daw kasing naghabol si Kim Sae Ron kay Kim Soo Hyun.
Ito raw ang naging daan para pag-isipan si Kim Sae Ron na "problematic person."
Paliwanag pa ng kampo ni Kim Sae Ron, kaya nag-post ang aktres ng litrato nila ni Kim Soo Hyun sa Facebook ay dahil ito lang ang naisip niyang paraan para pansinin ng aktor ang hinihingi niyang palugit sa utang niya rito.
Parang pinaslang daw ng YouTuber si Kim Sae Ron dahil sa negatibong imaheng ipininta nito sa dalaga.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dahil dito, nagdesisyon ang pamilya ni Kim Sae Ron na sampahan ng reklamo si Lee Jin Ho dahil sa kahihiyang ibinigay nito sa yumaong aktres.
Kim Soo Hyun’s agency files lawsuit against Garosero and Kim Sae Ron’s family
Samantala, kung ang pamilya ni Kim Sae Ron ay pinag-iisipan pa ang pagsasampa ng reklamo kay Kim Soo Hyun, ang kampo ng aktor ay nanindigan namang pananagutin nila ang Garosero Research Institute at ang pamilya ni Kim Sae Ron dahil sa ginawa raw ng mga itong paninira sa aktor.
Partikular na ang pakikipagsabwatan daw ng nagpakilalang "aunt" ni Kim Sae Ron na siya ring nagbigay ng pribadong larawan ni Kim Soo Hyun sa Garosero.
Read: Kim Soo Hyun files lawsuit against Kim Sae Ron's family
Paglabag sa Korea's Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crimes, o distribution of illegal footage, ang reklamong inihain ng kampo ni Kim Soo Hyun nitong Huwebes, March 20.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Patungkol ito sa isang pribadong litrato ng aktor na isinapubliko ng Garosero.
Dito, makikitang nakasuot ng black T-shirt si Kim Soo Hyun habang naka-censor naman ang gitnang bahagi ng kanyang katawan dahil walang suot na pang-ibaba ang aktor.
Makikita sa litrato ang aktor na naghuhugas ng mga pinggan sa lababo ng pinaniniwalang bahay ni Kim Sae Ron.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read: Kim Soo Hyun's private photo at Kim Sae Ron's house goes viral
Ang pagsasampa ng reklamo ang magiging hakbang ng kampo ni Kim Soo Hyun para mapanagot daw ang mga nagpakalat ng pribadong litrato ng aktor na naging mitsa para mas lalo itong kamuhian at i-bash ng publiko.
Read:
- Kim Soo Hyun faces backlash for dating rumors with Kim Sae Ron
- Brands cut ties with Kim Soo Hyun amid controversy
Additional report by Erwin Santiago